Ikaw ang Sunshine ko :)

Unang post, pag pasensyahan nyo na. Bakit ako magsisimula magblog? Para sa ekonomiya. Para may magawa sa mga araw na lutang ang isip at maging makabuluhan ang bawat araw. 

Anong gagawin ko? Una, magkkwento ng mga bagay na pwede i-share. Mga nakakatuwang experience bilang isang Ina. Mga napapansin sa kapaligiran.

Pangalawa, gusto ko rin magreview ng mga products, anything! Syempre priority ko ang Mommy and Baby Products. Isusunod ko ang mga make-ups dahil favorite ko rin. Sunod baka magshare rin ako ng gusto ko lutuin for Ashley at mga gusto kong i-bake kung may oven kami. 

Pangatlo, gusto ko maging interactive. HAHAHA! Sana may makausap at matulungan ako sa mga problems bilang First Time Moms, Stay at Home at Work at Home Moms since ganun ang experience ko.

So ngayon, wala naman usual na araw. Ang routine namin ni Ashley pag gising ng mga 6:00 am, mag-aalmusal muna ako tapos sya naman. Magpapakulo ako ng tubig at kalabasa (favorite nya) tapos papakainin ko sya. Medyo wala sya sa mood feeling ko dahil sa init kaya di nya naubos. Sunod matutulog muna sya tapos ako magFacebook, maghahanap ng homebased job, mag popost sa Facebook page ko. Manunuod sa Youtube at madalas may kachat (hahaha mga chikka moments). Tapos ngayon 12:26 pm, kinuha muna sya ng Tatay ko kasi nahabol na sya sa parents ko. So may time ako mag-blog at manuod ng T.V.


Si Ashley ang sunshine ko! Lalo na sa mga ngiti sa umaga, sa ngiti kahit pagod, puyat at problemado. Nakakatuwa sya kasi di halata na marami akong pinagdaanan nung pinagbubuntis ko sya na malaMMK. Hahaha. Di ko alam kung pwede ikwento. Hmmm, maybe one-of these days.


Ngayon iniisip ko, anong magiging topic ko sa next blog ko? 

1. Birth Story
2. Pregnancy Story

Pwede naman natin i-combine! What do you think?





Comments

Popular posts from this blog

Namumula na mata mo, kakacomputer!