Namumula na mata mo, kakacomputer!

Hala sige go parin, laptop ngayon, cellphone mamaya. Nairitate na ata mata ko. Time check 6:35 pm nakapagdinner na ng chicharon, di bale may uwi naman sila mamaya. Minsan balot, minsan saging at kung ano-ano weirdo pwede ulamin di naman kami choosy, basta may kanin push lang!

Ano na Ashley? nainitan talaga sya kawawa naman :( Kahit may aircon  minsan pawis parin. Hay nako sana di ubuhin. Kawawa kasi late na yung check-up nya. Yung flu vaccine walang stock sa Pedia. Sana next week meron na.

Ang likot nya ngayon, kung vlogger din ako, baka matawa kayo. Hahaha. Kaso di ko keri maging Vlogger kahit super idol ko si Mama Anne Clutz. Hello Ms. Anne, sana mabasa mo to. Sana maging successful din ako tulad mo. *wish ko mameet kita in person

Anyway highway, ano ba gagawin ko tonight, tapos na ko sa 13 Reasons Why parang di ko bet yung Riverdale pero sige why not let's see. Gagawa ako review about that two TV Series naattached kasi ako masyado kay Hannah Baker. Tska ang daming gwapo. HAHAHAHA.

Sana makahanap na ako ng part-time homebased job. Yung sure na sure na talaga. Hay ang hirap. Tyaga tyaga lang ako, pray pray. Sana maging successful. Dami ko kasi gustong bilin para kay Ashley. Nakakaguilty wala ako maibili sa kanya ngayon. Pero someday, makakabili rin ako ng mga gusto at kailangan nya. AJA!

Maiba tayo, The Greatest Love naman. Sobrang attached din ako sa Teleserye na 'to. Sobra. Kakaiyak lagi yung mga intense scenes. Bukod sa magaling talaga si Sylvia Sanchez, talaga naman ibang klase ang acting ni Matt Evans kanina super!!!! Galing nya as in, Dad goals din sya. Sana mameet ko rin sya in person. Papicture talaga ako tapos i-feature ko dito. Galing nya sobra. Definitely worth it na panuorin lalo na bukas ending na. Mas okay kasi ako sa family oriented kesa puro love teams. Kakasawa na. 




Hi Guys, I'm Lauren Ashley, sorry medyo badtrip talaga ako dahil mainit ngayon, pero cute and friendly talaga ako in person!

Love,
Ashley

Comments

Popular posts from this blog

Ikaw ang Sunshine ko :)